21 na barko mula sa China, namataang papunta sa WPS

Namataan ng isang US maritime security expert na si Ray Powell ang mahigit 21 maritime militia ships mula sa China na patungong Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Dito nakapwesto ang BRP Cabra ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahigpit na binabantayan matapos ang insidente noong nakaraang linggo.

Ayon kay Powell, pinaniniwalaan nitong kabilang ang mga namataang barko sa mga umaaligid sa Ayungin Shoal na sangkot sa pagbo-bomba ng mga water cannons sa mga Pilipino noong ika-5 ng Agosto.

Dagdag pa nito, 19 militia ships ng China ang nanatili sa Ayungin at tatlong Chinese Coast Guard vessels naman ang bumalik sa Hainan Island.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *