Poy Erram, magre-retiro mula sa Gilas Pilipinas

Inanunsyo ni “Big Man” Poy Erram ang kanyang retirement mula sa national team na Gilas Pilipinas.

Pinasalamatan nito ang mga tumulong sa kanya dahil binigyan raw siya ng pagkakataon para ipaglaban ang bansa.

Sinabi rin nitong may mga iba pang manlalaro na “deserving” sa kanyang spot sa Gilas.

Sa kabila ng kanyang pagretiro sa national team, nanatiling bukas ang kanyang pinto dahil aniya, “He will never say no to his country.”

Maalalang kabilang sa 21-man pool si Erram ngunit inanunsyong mamahinga muna ito dahil sa kanyang injury sa tuhod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *