22 panibagong kaso ng COVID-19 naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE – Naitala ng DOH CHD BICOL ang 22 panibagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte

Ang mga bayang nakapagtala ng mga panibagong kaso ay ang bayan ng Mercedes at Sta. Elena na may tig limang bagong kaso, tig-3 kaso naman ang bayan ng Daet at Jose Panganiban, dalawa ang nagmula sa bayan ng Labo habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng San Lorenzo Ruiz, Talisay, San Vicente at Vinzons

Sa kasalukuyan umakyat na sa 1,364 ang total cases sa lalawigan kung saan 274 na ang aktibong kaso at may 1,031 total recoveries

Samantala, nananatili naman sa 1,031 total recoveries at  59 ang mga nawalan ng buhay dahil sa sakit

Patuloy namang umaapela ang Camarines Norte Incident Management na makiisa sa paglaban sa COVID-19 at panatilihin ang pagsunod sa health standard protocols

Ayon naman sa DOH mahalaga na alamin ang tamangi mpormasyon kasabay ng pagsuporta sa approved na bakuna

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *