27 mga babae napabilang sa 239 na mga bagong candidate soldiers ng 9th Infantry Division Phil. Army

NAGA CITY – 27 na mga babae ang napabilang sa 239 na mga bagong candidate soldiers sa 9th Infantry Division Phil.  Army.

Ipinaliwanag ni Col. Angelo Lutera, Commanding Officer ng Division Training School, 9th Infantry Division, Philippine Army ang magiging sistema sa magiging training. Ang venue ng training ay mismong sa Camp Elias Angeles sa bayan ng Pili Camarines Sur.

Sa pagharap sa media sinabi ni Col. Lutera na anim na buwan magti-training ang mga bagong CS na ito, apat na buwan ang basic military training at two-months infantry course.

Ang training sa lalaking CS ay pareho din ng sa babae dahil sa may susundin silang standard, subalit magkaiba ang barracks ng mga ito, depende sa kanilang gender needs, ayon pa sa opisyal.

Anya’y kailangan pa rin na ikonsidera ang gender sensibility ng mga babaeng Candidate Soldiers.

Pagdating sa kalusugan, tiniyak ni Lutera na nasa ligtas na kamay ang mga ito lalo na ang mga babae sa panahon ng anim na buwang training.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *