2Q Municipal Solid Waste Management Board Meeting isinagawa ng LGU Bulan

Bilang bahagi pa rin ng mga hakbangin upang mapangalagaan ang kapaligiran, isinagawa ang 2nd Quarter Municipal Solid Waste Management Board Meeting sa bayan ng Bulan.

Tinalakay sa nasabing pulong na pinangunahan ni Municipal Administrator Atty. Moiselle Magdamit ang tungkol Solid Waste Management Program at 7K Kalinigan Program ng Provincial Government.

Inilatag din ni Municipal Environment and Natural Resources Officer Kelly Tan ang mga updates at mga akomplisyemento ng programa kabilang na ang livelihood training ng MENRO sa paggawa ng doormat at pot holder gamit ang mga lumang damit at tela kung saan magpapahiram din ito ng makinang panahi.

Iprenesenta naman ni Environmental Management Specialist Mikhail Paolo Rosil ang Partnerships in Environmental Management for the Seas of East Asia (PEMSEA) kung saan isa ang bayan ng Bulan sa kasama sa programa na may layuning mabawasan at maiwasan ang pagtatapon ng plastic sa  East Asian Seas Region.

Nagbigay din ng update ang WWF Philippines sa tungkol sa kanilang proyektong Save Ticao-Burias Pass Protected Seascape (TBPPS) upang patuloy na maprotektahan at mapangalagaan ang karagatan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *