3 menor de edad na suspek sa pagnanakaw, huli sa Taytay

Nasakote na ng pulisya ang tatlong menor de edad na suspek sa pagnanakaw sa isang tindahan sa Sandoval Street, Purok 2, Barangay Poblacion, Taytay Palawan.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office , ang mga suspek sa pagnanakaw ay nag-e-edad 14 at 15 anyos na pawang mga nakatira din sa Poblacion, Taytay na nahuli sa manhunt operation ng Taytay PNP.

Ang mga bata ang suspek sa pagkawala ng mga gamit at pera sa IM ‘s Apparel’s shop na pagma-may ari ni Liza Lota Gacayan noong Linggo, July 10, 2022.

Dumaan umano sa kisame ng tindahan ang mga suspek bago kinuha ang isang Iphone 6 , relo at P5, 000 cash.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *