3 motorsiklo nagbanggaan sa Oas, Albay, 5 sugatan

LEGAZPI-Lima katao ang sugatan sa nangyaring banggan ng tatlong motorsiklo sa Intersection of Brgy. San Juan at Brgy San Isidro, Oas, Albay,

Dakong alas 4:00 ng hapon ng maganap ang aksidente na kinasasangkutan ng isang pulang  “Kawasaki Bajaj” na minamaneho ni Jay Ar Caño Jordan, 34 anyos, tatlong pasahero na kinilalang sina Clarrise R Repia, 21 anyos,  Princess Diane Roaring, 19 anyos at Kimberly Bercasio, 19 anyos, lahat residente ng nasabing bayan.

Lahat nagtamo ng seryosong tama sa katawan.

Isa pang kulay asul na motor na minamaneho niRoger Dela Torre, 60 anyos na taga Brgy. Obaliw.

At isa pang motor na minamaneho ng di pa nakikilalang persona na agad tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa report ng PNP, ang dalawang motorsiklo umano ang tumatakbo sa kaparehong dereksyon patungong Brgy. Obaliw ng biglang tumawid ng kalsada ang isang motorsiklo dahilan ng pagkatumba ng mga biktima.

Agad naman na naidala sa hospital ang mga ito matapos magtamo ng mga sugat sa katawan at patuloy na pinaghahanap ang tumakas na driver.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *