DOH Camarines Sur nakikiusap sa mga nagsilbi sa halalan na sumailalim sa surveillance swabbing

NAGA CITY- Tinatawanan at binabalewala man ng marami ang COVID-19 ngayon patuloy ang pakiusap ng Department of Health na kailangang magbantay at mag-ingat.

Sa Camarines Sur nakikiusap si DOH Officer Dr. Rey Millena sa lahat ng nagsilbi sa nakaraang eleksyon sa sumailalim sa surveillance swabbing. Ito aniya ay para mamonitor ang sarili at hindi na makahawa pa sakaling tinamaan ng virus, sa dami kasi ng nakasalamuha mataas ang tyansa na may tinamaan ngunit ang hiling ng doktor sana ay lahat mag negatibo.

Ibinigay na halimbawa ang mga guro, COMELEC personnel at marami pang iba. Makipag coordinate lamang sa Rural Health Units para sa swabbing. 

Ang panawagan ay nakaangkla sa advisory ng DOH Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *