Ilang Barangay sa Naga City halos 100% fully vaccinated na ang mga residente laban sa COVID-19

NAGA CITY – Magsisimula ngayon ang apat na araw na panibagong itinakdang vaccination activities sa lungsod ng Naga na magtatapos sa Biyernes, Mayo 20.

Ang bakunahan ay bukas pa sa lahat ng katergoriya mula sa mga batang nasa 5-11 taong gulang,12-17 taong gulang, 18 taong gulang hanggang senior citizens at kasama rin ang mga immunocompromised adults.

Napag-alaman mula sa city government na ang mga bakuna ay Pfizer, Moderna at Sinovac, Jesse M. Robredo Coliseum ang venue ng bakunahan.

Samantala, nakapanayam ng Brigada News FM Naga si San Francisco Punong Barangay Efren Nepomuceno, at nabanggit nito na halos 100% ng fully vaccinated ang kanyang mga nasasakupan.

Mula anya sa mga bata hanggang sa mga matatanda ay halos lahat nabakunahan na, maliban na lamang sa pagpa-booster shot.

Magkagayunman, tulad ng ginagawa ng ibang mga barangay opisyal tuloy pa rin ang kampanya nila na suportahan ang vaccination activities tulad nito para tuluyan ng mahadlangan ang anumang variant at sinasabing sub-variant ng COVID-19.      

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *