3 patay matapos mabangga ang sinasakyang motorsiklo sa San Fernando, Camarines Sur

NAGA CITY – Patay ang tatlong sakay ng motorskilo matapos itong mabangga ng kasalubong na sasakyan.

Ayon sa ulat ng San Fernando MPS banda bandang 6:00 ng umaga nitong Hulyo 25, 2023 habang binabaybay ng motorsiko na minamaneho ni Marcelo Aquino Venancio, 48 taong gulang kasama ang mga backride na sina Raquel Villafuerte, 54-anyos at  “Ella” 14-anyos lahat residente ng Brgy. Muzon, Taytay, Rizal ang kahabaan ng Maharlika Highway sa San Fernando patungo sana sa Taytay, Rizal ng aksidenteng nabangga ng kasalubong na closed van na minamaneho naman ni Jay-Ar Garcia, 40-taong gulang residente ng Barangay San Francisco, Baao, Camarines Sur dahilan upang magtamo ng matinding sugat ang mga ito.

Agad namang itinakbo sa Bicol Medical Center sa Naga ang mga biktima pero idineklara itong Dead on Arrival ng sumuring doctor.

Sinabi sa BNFM ng imbestigador ng aksidente na nag-overtake ang close van , umiwas sa lubak ng kalsada at nabangga ang motor.

Nasa kustodiya naman ngayon ng San Fernando MPS ang Driver ng van para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *