Lalalaki sa Tsina na-rupture ang baga matapos magsisigaw ng sobra sa concert ng kaniyang hinahangaang idol group

Isa ka ba sa mga fanatic na mahilig sumigaw habang sinusuportahan ang mga idolo sa isang concert?

Isang lalaki kasi sa Tsina ang kamakailan lang ay nagkaroon ng collapsed lung dahil sa matinding pagsisigaw sa isang concert ng kaniyang hinahangaan na Chinese idol group.

 Kinilala ang lalaki sa pangalang “Chen’ kung saan, ayon sa mga kaibigan nito,  napakasaya pa raw nito sa concert at walang tigil ngang sumisigaw nang bigla na lamang umano hindi makahing at sumakit ang kaniyang dibdib.

Balak n asana nilang dalhin agad ito sa medic ngunit, hindi na sila nabigyan ng pagkakataon ‘pagkat bigla na lamang itong humandusay.

Kaya naman, agad itong isinugod sa ospital at napag-alaman na nagkaroon itro ng rupture sa kaniyang baga na epekto ng kaniyang pagsisigaw.

Nakaramdam umano si Chen ng Pneumothorax kung saan isang abnormal na pangongolekta ng hangin sa kaniyang pleural cavity na naghihiwalay sa baga simula sa pader ng dibdib at dahilan para makaapekto sa paghinga.

Mataguympay namang naalis ang sobrang hangin sa kaniyang baga nang idinaan itro sa isang operasyon at naging stable na rin ang kaniyang kalagayan. |WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *