30K halaga ng shabu nasamsam laban sa tulak ng droga

SORSOGON CITY – Nasamsam ang aabot sa P30K halaga ng hinihinalang shabu sa buy bust operation ng Matnog Police sa nasabing bayan.

Mag-aalas 2:50 ng umaga, Pebrero 12 nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng Matnog Police, Reg’l. Drug Enforcement Unit 5 at 2nd Provl Mobile Force Company ang isang operasyon sa Brgy Pawa.

Sa timbre ng poseur-buyer, hudyat na positibo ang kanilang naging transaksyon at mabilis na nadakip ang suspek.

Kinilala itong si Jorge Gabitan Garalde, 51-anyos, binata, residente ng Brgy Manjumlad ng nasabing bayan, kilalang fixer sa Matnog Port at kabilang sa Prov’l Recalibrated Database on Illegal Drugs.

Ayon sa source ng Brigada News, ang suspek ay siya rin umanong supplier ng shabu sa mga driver na gumagamit ng iligal na droga.

Narekober sa suspek ang tatlong maliit at isang medium size na pakete ng hinihinalang shabu na ‘subject of sale’ ng transaksyon.

Batay sa imbentaryo, ang iligal na droga ay tinatantyang tumitimbang ng 10 gramos na nagkakahalaga ng P30, 000.00 sa merkado.

Kasalukuyang nakadetene ang suspek sa himpilan ng Pulisya habang inihahanda ang kaukulang kasong ihahabla dito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *