Certificates, libre sa Municipal Civil Registry ng Gubat

SORSOGON CITY – Libreng makakakuha ng certificates galing sa Office of the Municipal Civil Registry ang mga mamamayan ng Gubat.

Kaugnay ito sa ika-32 selebrasyon ng Civil Registration Month, kung saan nakikiisa ang nasabing bayan.

Naglaan ng isang araw, sa ika-28 ng Pebrero, para makakuha ng birth at marriage certificates, at certificate of death nang libre.

May temang “Improving Civil Registration and Vital Statistics Implementation Strategies through Digital Transformation”, ang selebrasyon ngayong taon.

Ayon sa website ng Phil. Statistics Authority, kung ipadadaan sa kanilang Serbilis Centers, ang mga nabanggit na sertipikasyon ay karaniwang nagkakahalaga ng P140.00 bawat isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *