4 na indibidwal nagpositibo sa antigen test, barangay border nagpapatuloy

Tibpuan, Lebak. NAKA-ISOLATE ang 4 na indibidwal makaraang nagpositibo sa antigen test at tuloy-tuloy na ang pagpapagaling ng apat sa loob ng Barangay Isolation Unit o BIU sa Barangay Tibpuan.

Ayon kay Chairman Hernan Delasan naging alerto sila lalo’t nahaharap pa rin ang buong bayan sa bangis dulot yan ng Covid-19.

Dahil dito, pinayuhan ni Delasan ang mga kababayan na hindi dapat na maging kampante at iminungkahing sundin ang minimum public health protocols.Samantalang suspendido ang taunang fluvial parade at ibang pinaghahandaang aktibidad sa kapiyestahan ni San Juan Bautista dahil sinusunod lamang alinsunod sa nilalaman ng EO mula sa Provincial Government.

Una rito nagpapatuloy din ang paghihigpit ng Barangay Local Government Unit ng Tibpuan sa kanilang border checkpoint upang mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit at paggawa ng mass gatherings kung saan mariing pinagbabawal.

Kailangan lang ipresenta sa tuwing papasok sa Barangay Tibpuan ng dokumentong nagpapatunay na nagnegatibo sa anumang test at Municipal Quarantine Pass naman sa mga lalabas at papasok na constituents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *