43 na nabuong proyekto sa lalawigan, ininspeksyon

SORSOGON CITY – Nagsagawa ng inspeksyon sa mga natapos at naiturn-over na na proyektong pang-imprastruktura sa lalawigan ng Sorsogon.

Pinangunahan ito ng Sustainability, Monitoring, and Evaluation (SME) Inspectorate Team, kung saan titingnan nila ang kalagayan ng mga proyektong pinondohan ng Department of Agrarian Reform (DAR), Foreign Assisted Projects (FAP), at iba pang ahensya tulad ng Local Government Units (LGU).

Importante umano ang aktibidad sa pagtukoy ng mga proyekto, tulad ng irrigation facilities at konkretong daan papunta ng sakahan sa hinaharap.

Layon din nitong matulungan ang pamunuan ng DAR para makabuo ng makahulugan, epektibo, at nauukol na interbensyon para sa mga benepisyaryo ng agrarian reform.

Sa kasalukuyang taon, mayroong 43 mga proyektong naiturn-over na sa mga LGU’s, kung saan 11 nito ang nasa bayan ng Castilla, 6 sa Casiguran, 6 sa Donsol, 5 sa Bulan, 4 sa Matnog, 3 sa Gubat, 3 sa Irosin, 2 sa Juban, 2 sa Pilar, at 1 sa Magallanes.

Bukod sa pagsisigurong gumagana at nasa maayos na kondisyon ang mga ito, titingnan din ang kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at mga resipyente, sa pagmamantina ng mga nasabing imprastruktura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *