4TH Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, ikinasa ngayong araw

Sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang iba’t-ibang kawani ng pamahalaan sa bansa bilang pakikiisa sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Sa Bgy. Estevez sa Casiguran, Aurora ang napiling ceremonial site ng NSED.

Matatandaang August 2, 1968 ng yumanig ang magnitude 7.3 na lindol sa naturang lalawigan kung saan sinundan ito ng pagtama ng 3 metrong tsunami.

Ayon kay Phivolcs director Dr. Teresito Bacolcol, napili ang Aurora bilang ceremonial site dahil prone ito sa local at distant tsunami na maaaring mag originate sa ibang bansa kagaya ng Japan at Chile.

Batay sa DOST-Phivolcs tsunami hazard map ng Casiguran, ipinakita nito ang posibleng worst case scenario ng pagtama ng hanggang 10 metrong tsunami.

Ito umano ay isang babala at paghahanda sa mga residente sa lugar sa worst case scenarios na maaaring mangyari.

Maliban sa duck, cover, at hold, nagkakaroon din ng iba’t ibang scenario upang maipakita ang kahandaan ng probinsya sa malakas na pagyanig.

Mayroon ding inihandang aktibidad sa OCD Central Office sa Camp Aguinaldo, Quezon City at iba pang lugar sa bansa bilang pakikiisa sa earthquake drill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *