4th year BSED Student ng ISU Cauayan, most empowered leadership awardee sa 2022 5th Asia Pacific Luminare Award

Kinilala bilang Most Empowered Leadership Awardee si Mr. John Paul Sales Jose sa ginanap na 5th Asia Pacific Luminare Award sa Okada, Manila noong March 23, 2022.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Mr. Jose, siya ay 4th year college student ng Isabela State University – Cauayan Campus sa kursong BSED Major in English at kasalukuyang Vice President ng Youth for Peace Isabela Chapter at advocate ng Peace, Education, and Youth empowerment. U

na rito ay nagkaroon umano ng nomination sa nasabing award at isa si Jose sa mga nominado kung saan nakatanggap na siya ng email mula sa Asia Pacific Luminare na isa siya sa mga tatanggap ng Most Empowered Leadership Award.

Paliwanag ni Jose, ang Asia Pacific Luminare ay isang organisasyon na kumikilala sa kontribusyon ng mga indibidwal sa iba’t ibang larangan tulad ng entertainment, arts, music, leadership, culture, business at academic.

Bago pa man matanggap ni Jose ang naturang parangal sa National Level ay una na itong naging finalist ng National Jose Rizal Award, nominee sa 10 Outsanding Youth Volunteer ng Voice of the Youth Philippines, Culture of the Arts Awardee at Leadership Awardee ng ng ISU-Cauayan Campus.

Pinasalamatan naman nito ang mga sumuporta sa kaniya upang makamit ang parangal lalo na umano sa mga sumusuporta sa inisyatibo ng kanilang organisasyon.

Sinabihan naman ni Jose ang mga kabataang Isabeleño na huwag matakot ipakita ang kanilang kakayahan at talento habang nanawagan naman ito na mapaigting ang support system ng mga concerned agencies para sa mga talentadong kabataan.

Nakatakda naman ngayong araw, April 5, 2022 ang courtesy call ni Sales sa Local na Pamahalaan ng San Mariano, Isabela.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *