29-anyos na lalaki, patay matapos sumalpok ang lulang motorsiklo sa nakaparadang elf truck sa Cauayan City

Dead on arrival ang 29-anyos na lalaki matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa nakaparadang elf sa Quezon St., Brgy District 1, Cauayan City, Isabela pasado alas-3 ng madaling araw kanina.

Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Briagada News FM Cauayan sa PNP Cauayan City, kinilala ang nasawi na si Jose Garcia lulan ang Kawasaki Bajaj, 29-anyos, single at residente ng Cabaruan, Cauayan City.

Habang kinilala naman ang may-ari ng nakaparadang Elf truck na si Romeo Madriaga, 41-anyos, may-asawa, isang negosyante na residente naman ng Brgy Daburab.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinatahak ni Garcia lulan ang kaniyang motorsiklo papuntang Cauayan City Hall nang mabangga ang nakaparadang elf truck.

Dahil sa tindi ng pagkakabangga ay nagtamo si Garcia ng serious physical injury at agarang idinala sa pagamutan upang malapatan ng lunas ngunit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Nanawagan naman ang PNP Cauayan City sa pamilya ng biktima na kunin ang mga labi nito sa isang punerarya sa Lunsod. Ikinustodiya naman ng kapulisan ang may-ari ng nabanggang elf truck.

Sa ngayon ay hindi pa tiyak ang halaga ng pinsala sa dalawang sangkot na sasakyan habang patuloy naman na iniimbestigahan ng PNP Cauayan ang nasabing kaso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *