5 House leaders, naghain ng panukala para bigyan kapangyarihan si PBBM na suspendihin ang PhilHealth rate hikes

Naghain ng panukalang batas ang limang House leaders na naglalayong bigyan ang Pangulo ng kapangyarihan na suspendihin at i-adjust ang premium rate hikes para sa mga direct contributors ng Philippine Health Insurance Corp o Philhealth.

Inihain ng mga mambabatas ang House Bill No. 6772 kung saan isinusulong ang pag suspinde sa pagtaas ng kontribusyon sa PhilHealth sa panahon ng public emergency o state of national calamity.

Sa explanatory note ng panukala, sinabi ni Speaker Martin Romualdez, isa sa may akda , na halos hindi pa nakakabangon ang publiko sa pagkalugi at paghihirap na dulot ng COVID-19 at marami pa sa mga Pilipino ang nananatiling walang trabaho.

Bukod kay Romualdez, may akda rin ng panukala sina Majority Leader Manuel Jose Dalipe , Senior Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre

Bagama’t hindi pa naipapasa ang panukalang batas, matatandaang una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa PhilHealth na suspendihin ang pagpapatupad ng pagtaas ng kontribusyon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *