Solon, tinawag ang pansin ng DOTR kaugnay sa ulat ng mga abusado at choosy na motorcycle taxi riders

Nananawagan si Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers sa Department of Transportation na tingnan ang mga ulat ng mga mapang-abusong motorcycle taxi riders na tumatanggap lamang umano ng booking ng mga commuters na nag-aalok ng tip.

Ayon kay Barbers, nakatanggap ng reklamo ang kanyang opisina na ilang motorcycle taxi riders umano ang choosy pagdating sa pagtanggap ng booking ng mga commuters.

Aniya, kailangan tingnan ng DOTr ang mga ganitong reklamo dahil isa umano itong uri ng pang-aabuso.

Nanawagan rin ang mambabatas sa Land Transportation Office o LTO na isama ang ganitong reklamo sa patuloy na pilot study na ginagawa ng ahensiya sa operasyon ng mga motorcycle-based transportation network companies.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *