PBBM, inaprubahan ang pagpapatupad ng VAT refund program sa mga foreign tourists

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad ng value-added tax o VAT refund program para sa mga foreign tourists.

Ayon sa Presidential Communications Office, maglalabas ng executive order ang Pangulo para ipatupad ang tax refund program na ginawa din sa ibang mga bansa.

Kung maumpisahang maipatupad ang programa, ang mga foreign travelers ay magkakaroon ng 12% VAT refund na ipinataw sa mga produkto at serbisyo sa Pilipinas.

Ang ilang bansa na kasalukuyang nag-aalok ng tourist VAT refunds ay ang Singapore, Japan, South Korea, Australia, Switzerland, Italy, at Spain.

Sinabi ng Private Sector Advisory Council Tourism Sector Group na ang tourist VAT refund program ng Pilipinas ay maaaring ipatupad sa taong 2024. Isa ito sa mga rekomendasyong “Quick Wins” na ginawa ng PSAC kay Marcos noong Huwebes sa hangaring mapalakas ang industriya ng turismo sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *