51 katao patay matapos tumaob ang isang bangka sa Pakistan

Limampu’t isa katao ang patay matapos tumaob ang isang bangka sa northwest Pakistan.

Ayon sa isang Senior official ng bansa, apatnapu’t siyam sa mga namatay ay mga batang lalaki na nasa pagitan ng 7 hanggang 14 na taong gulang at pawang mga estudyante.

Nangyari ang insidente matapos ang day trip ng mga ito sa Tanda Dam lake.

Ayon sa mga awtoridad, overload ang bangka na dapat ay nasa 20 hanggang 25 lamang ang kapasidad.

Samantala,  lima katao naman ang nakaligtas sa insidente kabilang ang apat na estudyante at isang guro.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *