56 private schools sa region 12, nagsarado dahil sa COVID 19 pandemic

KORONADAL CITY- NANANATILING sarado ang apat na mga private schools sa Soccsskargen region ngayong school year 2021-2022.

Ngunit ayon kay Grace Mondragon ng quality assurance division ng DepEd Region 12 na ito ay kaunti na lamang kung ikukumpara sa 56 na mga private schools na nagsarado noong nakaraang school year dahil sa COVID 19 pandemic.

Inihayag ni Mondragon na karamihan sa mga ito ay nagsara dahil sa napakababang enrollment kung saan hindi na nito kayang sagutin ang operasyon ng paaralan.

Samantala, ayon sa opisyal na ngayong taon,nakapag-isyu na sila ng permit to operate sa 44 na mga private kindergarten schools, 26 elementary schools, 15 junior high schools at 20 senior high schools.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *