57 anyos na babae huli isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE- Isang 57 anyos na babae ang napasakamay ng pinagisang pwersa ng mga otoridad sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation dakong 6:20 kagabi, sa Purok 7, Brgy. VII, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si HERMINIGILDA OCTA BALANE, 57 taong gulang, isang tindera at residente ng Purok 6, Brgy. VII, Daet, Camarines Norte.

Nakumpiska ng mga otoridad kay Octa ang Isang (1) maliit na piraso ng selyadong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagsilbing buy-bust drug; Isang (1) piraso ng black coin purse na naglalaman ng dalawang (2) maliit na  piraso ng selyadong pakete ng hinihinalang shabu; Isang (1) pulang coin purse na naglalaman ng isang (1) pirasong limandaang piso na na nagsilbing buy-bust money) at Apat (4) na piraso ng maliliit na selyadong pakete ng hinihinalang shabu

Tinatayang umaabot sa Apat na Libo at Limandaang Piso (Php4,500.00) ang halaga ng mga nakuhang droga na may timbang na tinatayang umaabot sa humigit kumulang isang (1) gramo.

Kasong paglabag sa Section 5 & 11 Article II ng RA 9165 ang kakaharapin ng nasabing suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga na ng himpilan ng Daet MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *