57-anyos na ginang natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay sa  Camarines Sur

CAMARINES SUR- Patay na nang natagpuan ang 57-anyos na ginang na residente ng Bula Camarines Sur na nitong weekend pa nawawala.

Sa opisyal na ulat ng MDRRM Bula, bandang alas 4:30 ng hapon nitong Linggo Hulyo 23 nang makatanggap sila ng ulat na may nalunod sa Barangay Ombao Heights partikular na sa Bicol River.

Kaagad na nag dispatch ng personahe ang MDRRM kasama ang Phil. Coast Guard at nakipag ugnayan na rin sa mga karating Barangay.

Bandang alas-8 naman ng umaga nitong Martes Hulyo 25 nang maiulat na may natagpuang babaeng wala nang buhay sa San Jose Minalabac.

Napag-alaman na una itong nakita sa San Ramon Bula, pero dahil sa lakas ng agos inanod papunta sa nasabing bayan.

Positibong nakilala ng mga kaanak ng biktima na ito na an gang hinanahap nilang si Fe Cabal. Inaalam pa kung paano ito nalunod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *