Mga pamilyang inilikas sa Calabanga , Camarines Sur dahil sa Super typhoon Egay posible nang makauwi ngayong araw

CAMARINES SUR- Posible nang makauwi ngayong araw ang 34 na mga pamilyang inilikas sa Barangay Camuning Calabanga, Camarines Sur dahil sa Super Bagyong Egay.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni MDRRM Officer Danny Abalayan matapos na tuluyan nang lumayo sa rehiyon ang naturang sama ng panahon. Pero binigyan diin nitong titinggan muna nila ang kondisyon ng lupa, ilang araw na kase ang pag-uulan na maaaring makapagpalambot ng lupa na magdudulot ng landslide.

Ang 105  na indibidwal ay kaagad naman nabigyan ng ayuda ng Barangay at kahapon ang abot na rin ng tulong ang LGU.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *