5K residente ng Olongapo, fully vaccinated na kontra covid-19

Nakumpleto na ng limang libong mamamayan ng Olongapo ang pagpapabakuna ng dalawang doses kontra corona virus disease.

Ito ay kahit pa bahagyang tumagal ang dating ng suplay ng bakuna sa lungsod sa huling linggo ng Hunyo.

Ayon kay Dr. Zero Mella ng City Health Office, nadadagdagan ang bilang ng mga nagiging interesadong magpabakuna mula sa sektor ng mga senior citizen at may mga comorbidities habang kinukulang naman sa suplay.

Ganunpaman, ang limang libong bilang ng mga fully vaccinated sa Olongapo ay itinuturing pa ring mababa kumpara sa mahigit dalawandaang libong populasyon.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Olongapo City Information Center

May be an image of 1 person and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *