Anim na mga miyembro ng BIFF Bungos Faction sumuko sa Militar

ANIM na myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa ilalim ng Bungos faction ang sumuko sa Militar sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Datu Salibo kahapon.

Sa report mula sa 6th ID, ang mga ito ay boluntaryong sumuko bitbit ang kani-kanilang mga armas na kinabibilangan ng dalawang M16 A1 Rifles, isang (1) M14 Rifle, tatlong caliber .30 Garand Rifles, at samut-saring mga armas at bala.

Iniharap kahapon ni Datu Salibo Municipal Mayor Solaiman Sandigan kay 6th Infantry Battalion Commander Lieutenant Colonel Charlie Banaag ang mga ito.

Dagdag sa ulat ng militar na ang mga ito ay kabilang din sa mga umatake sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan Municipality noong March 17, 2021 at ilan pang mga pag-atake sa probinsya ng Maguindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *