6 na women in uniform kinilala ngayong Women’s Month

SORSOGON CITY – Kinilala ang malaking ambag ng ilang women in uniform ng panlalawigang pamunuan ng Philippine National Police sa Sorsogon.

Kaugnay ang pagkilala sa panimula ng selebrasyon ng Women’s Month ng Pulis Kasanggayahan, na may temang “We Make Change Work for Women”, kung saan anim ang napiling parangalan.

Iginawad kina PSSgt Josephine B. Haveria at PCpl Roda D Lagamayo ang pagkilala sa para sa kanilang pagsisikap bilang aktibong miyembro ng COVID-19 RT-PCR Swab/Vaccination, kung saan lubos na nakatulong ang kanilang gawain sa tagumpay ng RESBAKUNA sa buong lalawigan.

Kinilala rin si Patrolwoman May Fri D. Diaz ng PCAD, PHQ, ang pulis na naglalaan ng kanyang oras bilang aktibong Radio Host at sa pagsusumikap para sa pagkakaroon ng informed public.

Kabilang din si PSSgt Bernadetha P Estiller of Gubat MPS sa pinarangalan dahil sa pangunguna sa programang “Adopt a Family” sa panahon ng COVId-19.

Pinangunahan naman ni PCpl Rhea F Joven ng Irosin MPS ang paglulunsad ng ‘T-Shirt for a Cause’ na tinawag na “Danon sa Batang Irosanon” kung saan natulungan ang batang may sakit sa bato.

Naging inspirasyon din ang programang pinamunuan ni PCpl Pinky Rose L Delgado ng  Pilar MPS na tinawag na “Pulisyahan sa Kabataan” at natukoy din bilang isa sa best practices sa paglulunsad ng child protection programs.

Pinasalamatan ng pamunuan ang lahat ng awardee sa kanilang kahanga-hangang gawain at pagiging inspirasyon sa kanilang mga kabaro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *