BBM camp, isinasapinal pa ang schedule para malaman kung makakapunta si Marcos sa Comelec debate

Isasapinal ng kampo ni dating senator Ferdinand Marcos Jr. kung makakadalo ito sa debate na iisponsoran ng Commission on Elections.

Sinabi ni Attorney Vic Rodriguez sa isang ambush interview na sinusubukan pa nilang maisingit ang debate dahil puno na ang schedule ni Marcos buong Marso.

Ipinunto rin ni Rodriguez na dalawang buwan nang naka-schedule ang mga aktibidad ni Marcos para sa March 19, na petsa ng unang presidential debate ng Comelec.

Matatandaan na hindi dumalo si Marcos sa interview ng veteran journalist na si Jessica Soho at sa forum na inorganisa ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas.

Lumiban rin si Marcos sa presidential debate ng isang broadcasting network.

Gayunman, pumunta naman si Marcos sa debate na inisponsoran ng network na pag-aari ni Apollo Quiboloy na una nang nag-endorso sa Marcos-Sara Duterte tandem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *