6,096 new COVID-19 infections sa PH; Active cases, 52,570

Nagtala ang Pilipinas ng panibagong 6,096 na kaso ng COVID-19, dahilan para sumipa ang kabuoang bilang nito sa 1,397,992.

Ito na ang pang-apat na araw na naitala ng bansa ang mahigit 6,000 na infections.

Ayon sa Department of Health, dahil sa mga bagong kaso, bahagyang tumaas ang active cases sa bansa sa 52,570, kung saan 89.5% dito ang mild, 5.6% ang asymptomatic, 2% ang severe, at 1.4% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries naman ay lomobo sa 1,321,050 matapos maitala ang 6,912 na pasyenteng gumaling mula sa respiratory disease, habang ang death toll, umakyat sa 24,372 matapos madagdagan ng 128 bagong fatalities.

Sinabi naman ng DOH na tatlong laboratoryo lang ang hindi nakasumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *