Halos 250K doses ng Moderna COVID-19 vax, dumating na sa PH

Dumating na sa Pilipinas ang unang shipment ng Moderna COVID-19 vaccines, kagabi (Linggo).

Nasa 249,600 doses ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, bago mag-alas 11 ng gabi.

Mula sa 249,600 doses, 194,400 ang binili ng gobyerno, habang 55,200 naman ang binili ng private sector.

Nabatid na ang Pilipina ay bumili ng halos 20 million doses ng bakuna mula sa Moderna, na isang American brand, kung saan 13 million dito ay binayaran ng national government habang pitong milyon naman ang ibinayad ng private sector.

Batay sa evaluation ng Philippine Food and Drug Administration, ang Moderna ay mayroong efficacy rate na 94%, at maaring maibakuna para sa may edad 18, pataas. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *