7 contribution evaders sa Naga City, inisyuhan ng written order ng SSS

NAGA CITY – Inisyuhan na ngayong araw ng written order ang pitong contribution evaders sa Naga City ng Social Security System o SSS, matapos ang ginawang Simultaneous Run After Contribution Evaders o RACE.

Kung saan tire and auto supply, review center, kainan, bus company, medical lab ang binisita kasama ang media na mga non remittance o ayaw magbayad, unregistered, non reporting, at non production ang mga naging violations na kailangan makomplayan sa loob ng labing limang araw.

Ayon kay Maria Garcia Sanao, Assistant Branch Head, ito ay hindi pagpapahiya o pag-intimidate sa mga employer bagkus ay pagtulong na mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa SSS law bilang proteksyon na rin sa kanilang mga empleyado, lalo na’t may assistance din silang inu-offer na maaari ang installment, Ilan sa dahilan kasi ng paglabag ay financial o nagipit sa pera, ang iba nakakalimot.

Layunin din kasi ng naturang aktibidad na ipaalam maging sa publiko na ang SSS ay seryoso sa pagpapatupad ng batas dahil maaaring mapatawan ng kaso ang mga hindi mag-cocomply na may maganda na ring resulta sa mga employer na gumawa pa ng paglabag lalo na’t halos 40% ang naibawas na mga lumabag sa rehiyon ng Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *