Tubig, naging problema ng mga atleta ng Naga City sa unang araw ng Palarong Bicol sa Legaspi City

NAGA CITY – Naging problema din ng mga atleta ng Naga City na kalahok sa Palarong Bicol 2024 sa Legaspi City  ang pangangailangan sa tubig sa kanya-kanyang billeting centers, sa unang araw nila sa venue.

Ang problemang ito ay agad namang inaksyonan ng LGU-Legaspi, ayon kay Atty. Pj Barrosa, ang head ng Education, Scholarships and Sports Office na siya namang pinagkaabalahan ng mga opisyal ng DepEd-Naga at agad namang nailagay sa maayos na lugar ang mga atleta.

Sa kabila ng mga ganitong problema sa Palarong Bicol umaasa sila na mauuwi pa rin ng Naga City ang kampeonato, na over-all champion noong nakaraang taon taong 2023 dahil na inspirado lahat ang mga atleta, at may tatanggapin ang mga itong incentives sa bawat medalyang kanilang papanalunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *