SSS RACE campaign, prayoridad ang empleyado; hindi panggigipit sa mga employers

Nagsagawang muli ang SSS ng tinatawag na Run After Contribution Evaders o RACE noong Biyernes, Abril 26 kung saan pinakiusapan ang pitong employers sa lungsod at bayan ng Gubat na magbayad na ng mga konbtribusyon ng kanilang mga empleyado.

Ayon kay VP Elinita Samblero, ng SSS Luzon-Bicol Division, hindi naman umano nila ginigipit ang employers dahil nararamdaman nila ang nararanasan ng mga ito lalo na ang mga naapektuhan ng pandemya.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang priority ng RACE ay sumunod ang mga employers para maprotektahan ang benepisyo o kapakanan ng mga empleyado na puwedeng mag-avail ng pitong benepisyo ng SSS gaya ng maternity, sickness, disability, death, funeral, unemployment at retirement.

Sa lalawigan ng Sorsogon ay may kabuuang 2, 549 na empleyado na apektado dahil ang kanilang pinaglilingkuran o employers ay hindi nagreremit ng SSS contribution subalit ikinakaltas sa kanilang suweldo.

Pagtatapos pa ng opisyal, ang RACE ay isang estratehiya ng SSS para mangolekta ng mga delingkuwensiya mula sa mga employers, ngunit nakatutok ang kanilang opisina sa kapakanan ng mga empleyado.

Kabilang sa mga business establishment na dinalaw ng RACE team ay dalawang pizza parlor, dalawang hardware, bakery, transport coop at pasalubong/variety store.

Ang RACE team ay pinangunahan ni Elenita Samblero, VP for Luzon-Bicol Division, Rolando Gomez, branch head ng SSS Sorsogon katuwang ang SSS Luzon Bicol Legal Dept Atty Ma. Charissa Velasco, Corporate EO II, Accounts Mgmnt Section ng SSS Sorsogon na si Janet Dimaano at ang Regl Communication Officer, Luzon Bicol Division na si Ms. Quennie Joy Agsao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *