7 miyembro ng NPA, sumurender

Pito pang miyembro ng New people’s Army (NPA) ang sumurender sa pamahalaan noong nakaraang linggo  sa bayan ng Uson, Masbate.

Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumurender na rebelde para sa kanilang seguridad. Ang mga ito ay boluntaryong dumulok sa Charlie Company ng 2IB sa temporary patrol base nito sa Brgy Paguihaman ng nasabing bayan.

Dala ng mga ito ang isang kalibre .38 na revolver at apat na bala.

Ang nasabing mga surenderees ay binubuo ng Kalihim ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (KSPL), commanding officer ng Militia ng Bayan (MB), Presidente ng Condor Piston Cawayan, Masbate at apat na miyembro ng Kilusang Larangan Gerilya (KLG) 2, Sub-Regional Committee 4.

Pinuri naman ng commander ng 903rd IB na si BGen Aldwine Almase ang mga rebelde sa kanilang tahasang pag-unawa at sa kanilang pagpili na talikuran ang armadong pakikibaka upnag suportahan ang gobyerno sa paghahangad ng kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Sa nagdaang engkwentro noong Lunes, Agosto 21 sa Sitio Madarag, Brgy Jagnaan sa bayan ng San Jacinto ay dalawang kumander ng NPA ang naneutralisa; nasawi si Eddie Rosero alias Star na siyang kumander ng Larangan 1, Komite Probinsyal 4 habang si Ramon Bartolata alias Jamon, kumander ng Platun 3, Kilusang Laranga Gerilya North ng Sub-Regional Committee 4 ay sugatan at nasa kamay na ngayon ng Phil. Army.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *