76-anyos na lolo, mula San Andres, Catanduanes, pinakabagong COVID-19 fatality sa islang lalawigan

BICOL—Umakyat na sa walo ang bilang ng COVID-19 fatalities sa lalawigan ng Catanduanes matapos na masawi si Patient No. 9202, isang 76-anyos na lolo, at residente ng Brgy. Salvacion, bayan ng San Andres.

Ayon kay San Andres – Mayor Peter Cua, gabi nitong Huwebes nang bawian ng buhay ang pasyente na ayon sakanya ay mayroong comorbidities o iba pang iniindang sakit bago pa man tamaan ng COVID-19.

Dagdag pa ng alkalde, bedridden na ito simula ng ma-stroke, kaya’t ilan na rin aniya ang mga ito sa mga posibleng rason kung kaya’t hindi nakayanan ng matandang labanan ang virus sa loob ng kanyang katawan.

Samantala, malungkot namang inihayag ni Cua na nahawaan din nito ang kanyang maybahay at dalawang taong gulang na apo, na sa ngayon ay pareho nang naka quarantine.

Matatandaan, na puspusan ang naging paghikayat ni Dr. Robert John Aquino ng DOH-Catanduanes sa lahat ng mga matatanda o senior citizens sa islang lalawigan na ikonsidera ang pagpapabakuna kontra COVID-19 dahil karamihan sa mga naitatalang fatalities ay ang mga may edad na at may dati nang sakit, sapagkat hindi na ganun kalakas ang kanilang immune system para labanan ang sakit.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *