8 TODA sa So.Cot, nabiyayaan ng fuel vending machine

KORONADAL CITY- WALONG mga tricycle at habal-habal operators and drivers associations sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng Technology Solution Retail Outlet o TSRO machine o mas kilala bilang Fuel Vending Machine.

Ito ay sa ilalim ng ANGAT program ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO.

Ang naturang machine ay gagamitin para sa itatayong Bulilit Gas Station na income generating project ng mga TODA.

Kabilang sa mga unang benepsiyaryo nito ang RST DoSurTODA ng Zone 4, Surallah; LASEPTTODA ng Lake Sebu; SALMODA Association ng Salacafe, TBoli; Tamalki TODA ng Maltana, Tampakan; New Iloilo Tricycle Driver Association ng Tantangan; Polomolok Tricycle Driver’s Association ng Poblacion, Polomolok; Barangay Lunen Farmers Association ng Tupi; at RST TDVA ng Barangay GPS, Koronadal.

Ayon kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na ito ay tulong ng provincial government upang madagdagan ang income ng mga tricycle at habal-habal drivers maliban pa sa kanilang kita sa pamamasada.

Dagdag pa ng gobernador na hindi na rin aniya ang mga ito mamomroblema sa pang-gas ng kanilang mga motorsiklo dahil maaari na nila itong gawin sa kanilang sariling Bulilit Gas Station sa mas mababang presyo.

Napag-alaman na probinsya na bumili ng fuel vending machine na nagkakahalaga ng P 450,000.

Ito ay magsisilbing loan ng mga beneficiaries na kailangang bayaran sa loob ng dalawang taon na walang interes. Inihayag naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Sonia Bautista na layon din nito na masugpo ang pagbebenta ng gasolina na inilalagay sa bote ng softdrink na mahigpit na ipinagbabawal dahil sa dulot nitong peligro. Target ng probinsya na madagdagan pa ang mga benepisyaryo ng Bulilit Gas Station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *