83 EKTARYANG PALAYAN SA CAGAYAN, APEKTADO NG PESTENG HARABAS

Apektado ang walumpu’t tatlong ektarya ng palayan sa Sta. Ana at Gonzaga, Cagayan ng pesteng fall armyworm o harabas.

Ito ang kinumpirma sa isang panayam ni DA-Regional Crop Protection Center OIC Chief Minda Flor Aquino. Aniya, mahigpit ang kanilang pagbabantay sa mga maisan at palayan sa Cagayan na apektado ng pamemeste ng harabas.

Paliwanag nito, kadalasang namemeste ang harabas tuwing buwan ng Mayo at Hunyo ngunit sa ngayong dry season ay wala pang nakikitang impestasyon. Dagdag pa nito, kinakailangang mabantayan ang seedbed dahil sa oras mapabayaan at malaki na ang impestadyon ng peste ay hindi na ito maaaring ilipat.

Ang mga nakuhang peste umano ay kailangang sunugin upang hindi na ito dumami at gumamit lamang ng mga inirerekomendang pestisidyo at tamang paglalagay ng Bio-N.

Sa ngayon ay nagsasagawa ng pag-aaral ang grupo ni Chief Aquino hinggil sa Fall Armyworm sa palayan mula sa varietal trial, insecticide efficacy, botanical at trials sa entomopathogenic fungi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *