9 pang probinsya, HUCs isinailalim sa Alert Level 1

Inihayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon na may siyam pang mga probinsya at highly urbanized cities (HUCs) ang nadagdag sa listahan ng mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1, dahil sa resulta ng fourth wave ng national vaccination drive.

Kabilang sa mga lugar na ito ay ang Zambales, Nueva Ecija, Batangas, Lucena City, Iloilo City, Cebu City, Ormoc City, Tacloban City, at Butuan City.

Una nito, ipinanatili ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang National Capital Region at 47 iba pang lugar sa Alert Level 1 mula March 16 hanggang March 31.

Ayon kay Dizon, ang naturang mga lugar ay pumasa sa metrics ng pagkakaroong ng maraming bilang ng mga fully vaccinated at pagbabakuna sa mga elderly.

Sa ngayon, nasa 64 nang mga lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Alert Level 1. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *