P3K aid para sa magsasaka ng mais, mangingisda, ibibigay ngayong araw

Ipamamahagi na ng Department of Agriculture simula ngayong araw, March 17, 2022 ang P3,000 fuel subsidy para sa mga magsasaka ng mais at mangingisda.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nasa Tacloban sila ngayong araw kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, para i-roll out ang fuel subsidy sa naturang mga sektor.

Magtuloy-tuloy na umano ito iba’t ibang dako ng Pilipinas hangga’t maibigay ng gobyerno ang first tranche na P500 million.

Nabatid na halos 160,000 ang makakabenepisyo ng P3,000 fuel subsidy, na layuning mabawasan ang epekto ng sunod-sunod na taas presyo ng langis sa kanilang kabuhayan.

Sinabi naman ni Dar na hindi kasama ang rice farmers sa fuel subsidy program, dahil suportado umano ang mga ito ng yearly cash grant program na tinatawag na Rice Farmer Financial Assistance (RFFA), kung saan nakakatanggap ang mga ito ng P5,000 na cash aid. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *