Duterte, walang komento sa mga napili ni Marcos para sa Cabinet posts – Palasyo

Inihayag ng Malacañang na nananatiling walang komento si Pangulong Rodrigo Duterte, hinggil sa mga choices ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr para sa kanyang mga magiging miyembro ng Gabinete.

Ito ang tugon ni acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar nang matanong kung nagbigay ba ang pangulo ng anumang feedback hinggil sa mga naunang nang napiling Cabinet members.

Sa ngayon, pito na ang mga napili ni Marcos na uupo sa kanyang Gabinete, na kinabibilangan ni presumptive vice president, Davao City Mayor Sara Duterte-Caprio, bilang education secretary; chief-of-staff at spokesperson nitong si Atty. Vic Rodriguez, bilang kanyang executive secretary.

Napili rin ng presumptive president si dating MMDA Benhur Abalos para mamuno sa Department of the Interior and Local Government; Cavite 7th District Rep. Boying Remulla, bilang Department of Justice secretary, Bienvenido Laguesma sa Department of Labor, at Susan “Toots” Ople bilang chief ng bagong binuong Department of Migrant Workers.

Kaugnay nito, kinuha rin ni Marcos si Arsenio Balisacan na socioeconomic planning secretary ni dating Pangulong Benigno S. Aquino III, para muling pamunuan ang National Economic and Development Authority.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *