Abusadong Driver ngayong Semana Santa, isumbong!- PSO Naga

NAGA CITY – Isumbong kaagad sa mga pulis o kaya naman sa mga personahe ng Public Safety Office (PSO) ang sinumang driver ng trimobile na lalabag sa batas-trapiko at City Ordinances tulad ng paghingi ng sobrang bayad, pagiging over loaded o sobra sa bilang ng takdang pasahero o kaya naman diretsahang pambabastos sa mga babaeng pasahero.

Muli ito ang panawagan ni Public Safety Office Executive Director Renne Gumba, dahil sa pagdatingan na ng mga pasahero sa Naga City ngayong Semana Santa galing sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa o kaya naman galing sa abroad, dahil sa mapepera ang mga ito kaya posibleng samantalahin ng ilang mga pasaway na trimobile driver.

Paliwanag niya sa Brigada News FM Naga, under evaluation pa rin ang mga trimobile driver kaya tutok sila sa mga asal ng mga ito habang hindi pa nila inilalabas ang resulta ng kanilang observation and recommendations, bilang bahagi ng mga kondisyon sa pagpayag na ibalik sa ₱15 pesos ang pasahe ng bawat pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *