ADB, inaprubahan ang $500-million policy-based loan para tulungan ang PH sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic

Inaprubahan ng Asian Development Bank ang $500-million policy-based loan para tulungan ang Pilipinas sa pagtugon sa epekto ng COVID-19 pandemic sa labor market.

Tinawag na Post-COVID-19 Business and Employment Recovery Program, nilalayon ng loan na magbigay ng government assistance sa negosyo at investment para mapalakas ang employment.

Nilalayon din nito na suportahan ang mga inisyatiba na nagpapalawak ng mlabor market programs na tutugon sa skills mismatches at isulong ang mga pagsasanay sa mga manggagawa upang matugunan ang demand ng job market.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong 2.18 million na mga Pilipino ang walang trabaho noong Nobyembre 2022 mas mababa ng 2.24 million na naitala noong October 2022.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *