Direct line sa pagitan ng Pilipinas at China sa WPS, hindi pa fully operational – DFA

Hindi pa nakikita ng Department of Foreign Affairs ang isang fully-functional communication mechanism sa Chinese counterpart nito matapos mangyari ang insidente sa Ayungin Shoal na kinasangkutan ng mga mangingisdang Pilipino at Chinese Copastguard.

Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Ma. Teresita Daza, tatalakayin pa rin ito sa pamamagitan ng umiiral na diplomatic communications.

Idinagdag ni Daza na ang bagong mekanismo ay makakadagdag sa mga kasalukuyang channels na regular na ginagamit ng mga Filipino at Chinese diplomat at sinabing ito ay isang urgent concerns.

Ayon kay Daza, ang bagong mekanismo ay makakadagdag sa mga kasalukuyang channel na regular na ginagamit ng mga Filipino at Chinese diplomats. Ito rin ay para sa “kagyat na” alalahanin.

Ang pagpapadala ng note verbale at paghahain ng diplomatic nprotest ay kabilang sa mga diplomatic action na ginagawa ng Pilipinas patungkol sa mga concerns sa South China Sea at West Philippine Sea. Mula noong 2016, nagpadala na ang gobyerno ng kabuuang 262 note verbales sa China. Kabilang dito ang 195 na ipinadala noong 2022 at isa ngayong taon.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *