Gatchalian: majority ng mga Filipino naniniwalang mapanganib ang POGO sa bansa base sa survey

Naniniwala ang majority ng mga Filipino na mapanganib ang presensiya ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa bansa base sa isinagawang survey ng Pulse Asia.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, mula sa 1, 200 respondents, 58 percent sa mga ito ang nagsabing sa tingin nila ay nakakasama ang operasyon POGO sa bansa.

Samantalang 19 percent lamang ng mga respondents na nagsabing kapaki-pakibanang sa bansa ang POGO.

Isinagawa ng survey mula November 27 hanggang December 1, 2022.

Sa kasalukuyan, ginagawa ng Senate Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Gatchalian ang pagkumpleto ngpanel report kaugnay sa iinquiry sa economic benefits at social costs ng pagpapahintulot sa mga operasyon ng POGO sa bansa.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *