Advocacy campaign kontra paputok sinimulan na ng PHO ilang araw bago mag pasko at bagong taon

CAMARINES NORTE- Sinimulan na ng Provincial Health Office ang advocacy campaign kontra paputok ilang araw bago sumapit ang pasko at bagong taon.

Noong Biyernes, December 16 ay nagpatawag ng pagpupulong ang PHO sa iba’t- ibang mga ospital upang pag- usapan ang mga gagawing paghahanda.

Kasama rin sa pagpupulong ang Department of Education at Bureau of Fire Protection.

Sa panayam ng media sinabi ni Lenie De Leon, Program Coordinator ng Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) na target ng PHO na hanggat maaari ay walan sanang maitalang firecracker related injury ngayong taon.

Kaugnay nito ay hinimok ni De Leon ang publiko na sa halip na gumamit ng paputok ay gumawa na lang ng mga alternatibong pampaingay upang iwas disgrasya.

“Meron naman po tayong mga alternatibong pamamaraan para maiwasan ito pwede na po tayong gumamit ng kaldero, yung videoke, then sa sasakyan magpatunog na lang po tayo and sal oob na lang po ng tahanan ang party o pagdriwang, maiwasan na po yung paggamit ng mga fireworks,” ani De Leon.

Aminado naman ang PHO na posibleng madagdagan ang firecracker related injury ngayong taon dahil maluwag na at walang mga restrictions.

Noong nakaraang taon ay may naitalang dalawang firecracker related injury sa lalawigan na kapwa dahil sa kwitis.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *