Reduced tariff rates sa mga agricultural products, extended hanggang 2023

Naglabas ng executive order si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos na layuning palawigin pa ang reduced tariff rates sa mga agricultural products hanggang sa katapusan ng 2023, kasunod ng pag-endorso ng National Economic and Development Authority (NEDA).

Sa ilalim ng Executive Order 171, mananatiling epektibo ang reduced tariff rates hanggang December 31, 2023.

Sa naturang extension, ang imported na baboy ay mapapatungan ng tax an 15% para sa in-quota, at 25% naman para sa out-quota.

Magkakaroon din ng buwis sa mais na 5% para sa in-quota at 15% para sa out-quota.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, layunin din ng extended reduced tariff rates na pagaanin ang lumalalang gastusin ng vulnerable sectors sanhi ng mataas na inflation rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *