Paghahanda ng iba’t- ibang ahensiya sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagdiriwang ng pasko at bagong taon inilatag

CAMARINES NORTE- Inilatag ng iba’t- ibang ahensiya ang kanilang mga ginagawang paghahanda para sa mga mabibiktima ng paputok sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.

Sa isinagawang pagpupulong patungkol sa Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) campaign noong Biyernes, tiniyak ng mga pampubliko at pribadong ospital ang kanilang kahandaan.

Sa panig ng Camarines Norte Provincial Hospital, inihahanda na umano nila ang mga  gamot at iba pang kagamitan sakaling may mabiktima ng paputok.

Malaki umano ang paghahanda ng CNPH dahil ito ang referring hospital sa lalawigan.

May mga listahan na rin umano sila na ibinigay sa supply department na kailangang ihanda.

Nakahanda rin umano ang mga pribadong ospital dito sa bayan ng Daet.

Sa mga ospital naman ng  malalayong bayan tulad ng Sta Elena at Capalonga ay may mga ginagawa na ring paghahanda.

Tiniyak ng kinatawan ng Rosary Virgin Hospital sa Sta Elena na handa sila sa mga pasyenteng mabibiktima ng paputok at kung kinakailangan ay ire- refer ang pasyente sa ospital.

At dahil malayo sa Daet sinisiguro naman daw ng ospital sa Capalonga na mayroong available na suplay tulad ng anti- tetanus.

Nakatuon naman umano sa advocacy campaign ang Department of Education gamit ang kanilang mga social media account.

Habang ang Bureau of Fire Protection ay tuloy- tuloy ang ginagawang oplan iwas paputok sa pamamagitan ng pagbabandilyo at pamimigay ng mga information materials.

Ayon naman kay Lenie De Leon, PHO Program Coordinator ng APIR, ang CNPH ang sentinel hospital sa lalawigan pagdating sa reporting.

Mayroon ding bagong surveillance link para sa maayos na reporting ng mga pribadong ospital.

Magsisimula ang monitoring ng PHO kaugyan sa paputok sa Disyembre 21, 2022 hanggang Enero 5, 2023

Hanggang Enero 25 naman ang reporting sa tetanus cases.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *