AFP – ‘di na kailangan ng ‘loyalty check’ sa administrasyon

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mananatili silang ‘apolitical’ at ‘non-partisan’.

Sa isang pulong balitaan – sinabi ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na panghahawakan nila ang sinumpaan nilang tungkulin na paglingkuran ang mga Pilipino.

Aniya, mas nakatutok sila sa kanilang misyon na protektahan ang bansa, palakasin ang ating teritoryo, at ang pagwaksi sa insurgency at terorismo.

Tiniyak din ni Padilla na hindi na nila kailangan pang magkaroon ng loyalty check sa kanilang hanay dahil nananatili pa rin silang solid sa kanilang tungkulin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *